Friday, November 2, 2012

Pag-rerestore ng Original at Latest Stock ROM ng GT-S5360

Sa kadahilanang na brick ko ang CP ko, kelangan ko mag-restore sa dati o sa latest na Stock ROM...

Disclaimer o Wag Mo Ako Sisihin Kapag:
  • Na-brick mo ang CP mo eh hindi naman sira ang CP mo.
  • Na-brick mo ulit ang CP mo.
  • Di mo muna binasa lahat ito, bago i-aktuwal.
  • Mahina ang loob mo.
Pre-requisites:
  1. I-charge ang battery hanggang 75%
  2. I-install at i-run ang Titanium Backup sa CP
  3. I-backup ang mga User Apps at System Data
  4. I-export ang mga Contacts mula sa Phone papunta sa SDCard
  5. I-turn On  ang USB Debugging Mode: Settings>Applications>Development>USB Debugging
  6. I-download ang GT-S5360 Flasher sa PC at i-extract.
  7. I-download ang Odin flashable GT-S5360 Stock ROM sa PC at i-extract, dapat may tatlong files yan, CSC_S5360_OLBLG1.tar.md5, MODEM_S5360_DXLF1.tar.md5, PDA_S5360_DXLF2.tar.md5.
  8. I-Download at i-install ang Samsung Kies sa PC, kailangan mo kasi ang mga drivers na kasama nito kapag ni-kabit mo na ang CP mo sa PC mo.
Main Course:
  1. Patayin ang CP
  2. Tanggalin ang SDCard at SIM Card.
  3. I-press at i-hold ang Volume Down + Home + Power buttons ng sabay hanggang may magdisplay na menu tulad nito:

  4. Siguraduhing naka install lahat ng drivers ng Android phone mo tulad nito:

  5. I-press ang Volume Up to continue.
  6. I-connect ang CP sa PC gamit ang USB cable.


  7. I-run ang Odin, siguraduhing na detect sa ID:COM ang CP mo at naka-tick ang mga Auto Reboot at F.Reset Time.
  8. I-browse ang mga files na CSC_S5360_OLBLG1.tar.md5 para sa CSC, MODEM_S5360_DXLF1.tar.md5 para sa Phone, PDA_S5360_DXLF2.tar.md5 para sa PDA, katulad nito:



  9. I-click ang Start button, at wag gagalawin ang CP habang nagpa-patch.



  10. Wala pang isang minuto tapos na yan at kusang magrerestart ang CP mo.

References:
Baka may bagong Stock ROM

No comments:

Post a Comment